Home NATIONWIDE Private initiatives sa pagtatayo ng classroom, patitibayin sa Senado

Private initiatives sa pagtatayo ng classroom, patitibayin sa Senado

121
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang mas maigting na pakikilahok ng pribadong sektor sa mas mabilis na pagpapatayo ng mga silid-aralan upang mapunan ang hihigit sa 147,000 backlog sa buong bansa.

Kasunod ito ng paglabas ng invitation to bid ng Department of Education (DepEd) para sa tatlong contract packages sa disenyo, pagpapatayo, at maintenance ng mga school buildings sa ilalim ng Phase 3 ng Public-Private Partnership (PPP) for School Infrastructure Project (PSIP III).

Aabot sa P105.7 bilyon ang pondo para sa naturang programa.

Ipapatupad ang mga contract packages sa ilalim ng build-lease-transfer contractual arrangement para sa 3,563 na mga silid-aralan sa iba’t ibang rehiyon.

Inaasahang tatagal ang mga kontrata ng 11 taon at limang buwan. Tinataya namang 17 buwan ang itatagal ng konstruksyon, habang 10 taon naman ang itatagal ng payment period.

Ayon sa Public-Private Partnership Center of the Philippines, target ng PSIP III na magpatayo ng 16,549 na mga bagong classroom na pakikinabangan ng hindi bababa sa 800,000 na mga mag-aaral taon-taon.

“Kung mapapalawak natin ang pakikilahok ng pribadong sektor sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, mapupunan natin ang malaking kakulangan sa mga classroom,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Finance.

Samantala, naglaan naman ang 2026 national budget ng 65.9 bilyon para sa pagpapatayo ng halos 25,000 na mga silid-aralan.

Batay sa datos noong Hulyo 2025, lumalabas na 147,000 ang kulang na mga silid-aralan sa bansa. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here