Home METRO Trainee ginahasa ng police instructor

Trainee ginahasa ng police instructor

91
0

BAGUIO CITY, Philippines – Muling nadungisan ang hanay ng kapulisan matapos gahasahin umano ang isang babaeng trainee ng kanyang police instructor sa loob ng Cordillera Administrative Region Training Center (CARTC) sa Baguio City.

Naganap umano ang panggagahasa noong Enero 20, 2026 bandang alas-2:00 ng mada­ling araw at muli noong Pebrero 8, alas-1:00 ng hapon sa loob ng  nasabing training center.

Inakusahan ng panggagahasa ang isang 41-anyos na police training ins­tructor matapos ireklamo ng isang 23-anyos na babaeng police trainee ng dalawang beses sa loob ng kampo.

Napag-alaman ng mga imbestigador na ipinatawag umano ang trainee sa barracks ng suspek sa parehong pagkakataon.

Nireport ng complai­nant, na hindi pinangalanan, ang mga insidente noong Abril 11 at pormal na naghain ng reklamo noong Abril 13 ng taong kasalukuyan.

Ang suspek ay pansamantala itinago sa pangalan Artemio, isang may-asawang pulis na nagsisilbing assistant instructor at residente ng La Union.

Sa kasalukuyan, inilagay na ang inirereklamong pulis sa restrictive custody, dinisarmahan at inilipat sa PNP training headquarters sa Canlubang, Laguna habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo.

Isinasapinal pa ang dokumentasyon ng kaso para sa regular na pagsasampa. Dagdag niya, nakapagbigay na ng sinumpaang salaysay ang complainant at sumasailalim sa psychological evaluation bilang bahagi ng proseso ng ebidensya at suporta.

Iginiit ni CARTC Academic Chief Lt. Col. Maila Alog na ipinatutupad ng training center ang “zero tole­rance” policy laban sa anumang uri ng pang-aabuso sa mga trainees. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here