MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na muli siyang humiling sa International Criminal Court (ICC) na payagang mabisita ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Disyembre.
Inihayag ni Duterte ang kanyang kahilingan sa ICC sa pagtitipon kasama ang mga overseas Filipino worker sa Hong Kong nitong Linggo, Nobyembre 8.
Umaasa umano ang Bise Presidente na papayagan siya ng ICC na mabisita ang kanyang ama na kasalukuyang nakakulong sa The Hague, Netherlands.
Nahaharap ang dating pangulo sa tatlong bilang ng crimes against humanity sa ICC. Kinumpirma ng Pre-Trial Chamber noong Abril ang mga kaso at ipinasa ito para sa paglilitis.
Nakatakdang magsimula ang paglilitis kay Duterte sa Nobyembre 30, 2026, ayon sa ICC. RNT