Home NATIONWIDE Motorcycle Taxi Law ipapasa ng Kamara sa 20th Congress

Motorcycle Taxi Law ipapasa ng Kamara sa 20th Congress

128
0

MANILA, Philippines – Sa harap ng patuloy na krisis sa mataas na presyo ng langis, binigyang katiyakan ni House Speaker Faustino Dy na ipapasa sa ilalim ng 20th Congress ang Motorcycle (MC) Taxi Law.

Sa pagdinig ng House Legislative Energy Action Development (LEAD) Council sinabi ni LEAD Council Presiding Officer Marikina Rep Miro Quimbo na direktiba ni Speaker Dy na maipasa ang panukala para sa MC Taxis and and transport network vehicle services.

Sinang ayunan naman ito ni House Committee on Transportation Chairman at Quezon City Rep. Franz Pumaren, aniya, ang pagtalakay sa nasabing panukala ay nasa final stages na.

Sa ilalim pa ng 17th Congress unang tinalakay ang pagpasa sa MC Taxi Law subalit hindi ito umusad sa Kamara.

Nasa 200,000 riders ang umaasa na maisasabatas ang panukala upang magkaroon ng reporma, una na sa hiling ng mga riders ang pagkakaroon ng mababang

platform commissions at tiyak na proteksyon gaya ng pagkakaroon ng social protections kabilang na ang SSS, Pag-IBIG at  PhilHealth.

Sa oras na maisabatas ay mareregulate na ang MC taxis bilang lehitimong mode of public transportation at kasabay nito ang pagtatakda ng accreditation, safety, fares, insurance at pagtiyak na mayroong maayos na working conditions.

Sa kasalukuyan ang MC taxi ay nireregulate ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sinabi ni Speaker Dy na pangmatagalang tulong at solusyon ang dapat na ibigay sa MC taxi at upang makasabay ito sa mataas na presyo ng lamngos ay hindi sapat na mayroon lamang itong ayuda bagkus ay dapat masiguro ang kanilang maayos na pagtatrabaho at tamang pasahod. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here