Home HOME BANNER STORY PBBM kinumpirma pagbabago sa PCO at DICT

PBBM kinumpirma pagbabago sa PCO at DICT

1
0

MANILA, Philippines – KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lumabas na ulat na tinanggap na ng Malakanyang ang pagbibitiw sa puwesto ni DICT secretary Henry Aguda.

Sa kapihan with media,sinabi ni Pangulong Marcos na mabigat para sa kanya na tanggapin ang resignation ni Aguda dahil sa ginagawang imbestigasyon dito ng Ombudsman.

Ito ay may kaugnayan sa di umano ay ghost connectivity projects na sinisiyasat ng tanggapan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

Sa kabilang dako ay inihayag ng Pangulo na papalitan ni PTV 4 General Manager Lino Cayetano sa Presidential Communications Office si Acting Secretary Dave Gomez.

Kasunod ito ng pagkaka by pass kay Gomez sa Commission on Appointments.

Samantala, natanong din ang Pangulo sa sinasabing pagbabalik ni DPWH secretary Vince Dizon sa DOTr subalit ang tugon ng Pangulo… “right now, it’s a no.” KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here