Home NATIONWIDE 2 babaeng may assault rifle arestado sa Maguindanao del Sur

2 babaeng may assault rifle arestado sa Maguindanao del Sur

86
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad sa Maguindanao del Sur ang dalawang babae na mayroong assault rifle sa checkpoint operation sa Talayan, nitong Huwebes ng hapon, Abril 16.

Ayon kay Colonel Michael John Mangahis, Maguindanao del Sur police director, ang dalawang babae ay sakay ng SUV nang inspeksyunin bandang ala-1 ng hapon sa national highway.

Ani Mangahis, sa plain view inspection ay napansin ng pulisya ang rifle sa gilid ng front seat ng sasakyan. May nakita ring isa pang rifle sa back seat.

Kinilala ang dalawang babae na sina “Samsiah” na drayber ng sasakyan, at kasama nitong si “Janine” na bigong makapagpresenta ng dokumento ng kanilang rifle at ammunition.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang 5.56mm Bushmaster, 5.56mm VLTOR at set ng mga magazine at ammunition.

Ang pag-aresto ay bahagi ng pinalakas na kampanya laban sa private armed group at loose firearms sa probinsya.

Nakaditene na ang mga suspek sa Talayan police detention facility habang inihahanda ang isasampang reklamo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here