MANILA, Philippines – Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya ang umano’y “high-value” ng tulak ng illegal na droga matapos makumpiskahan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa operasyon sa Taytay, Rizal nitong Huwebes, Abril 16.
Sa report na inilabas nitong Biyernes, kinilala ng PDEA Region 4A ang suspek na si alyas “Gamid,” 21, na nahuli 4:20 ng hapon sa parking lot ng isang shopping mall sa pakikipagtulungan sa Rizal police intelligence unit.
Narekober ng mga awtoridad ang nasa 500 gramo ng hinihinalang shabu mula sa suspek na tinatayang nagkakahalaga ng P3,400,000.
Inaalam pa ng PDEA kung saan kinukuha ang illegal na droga.
Nahaharap ang HVI na suspek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC