Home METRO Ama patay sa sariling anak sa Cavite

Ama patay sa sariling anak sa Cavite

153
0

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang namatay nang pagtatagain ng sariling anak nito matapos ang mainitang pagtatalo sa Brgy. Poblacion, Bacoor City.

Kinilala ang biktima na si alyas “Rick”, ama ng suspek na kinilalang si alyas “Jhon”.

Sa report na nakalap mula sa pulisya, naganap ang insidente noong nakaraang Abril 16, Huwebes, sa 246 Tabing Dagat ng nasabing lugar.

Batay sa lumabas na imbestigasyon, bandang alas-3:30 ng hapon ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima (ama) at ang kanyang kinakasama, na nasaksihan ng suspek (anak).

Dito umano lumabas ang biktima at naupo sa harap ng kanilang bahay nang bigla itong hatawin sa ulo gamit ang isang maliit na bolo.

Mabilis namang rumesponde ang rescue ambulance at nabigyan ng paunang lunas ang biktima bago isinugod sa Southern Tagalog Regional Hospital, at hindi nagtagal ay inilipat sa Philippine General Hospital.

Subalit ganap na alas-5: 00 ng umaga nang binawian rin ng buhay ang biktima.

Kasunod nito, nagsagawa ng hot pursuit operation ang otoridad at mabilis na nadakip ang suspek sa Brgy. Digman–Kaingin, ng nasabing lungsod.

Nahaharap sa kasong parricide ang suspek sa Bacoor City Prosecutor’s Office na kasalukuyang nakaditine ngayon sa Bacoor Police Station.

Pinuri naman ang mabilis na aksyon ng mga arresting officer na sina B/T Arthur B. Fariolin at B/T Arjay B. Atangan, kasama ang mga miyembro ng Bacoor CCPS na sina PMSg Kenneth Caligiran at Pat Ivan Daquel. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here