Manila, Philippines – Ayaw papigil sa panggigigil.
Ganito ang “emotional peg” ni Jim Bacarro sa ginawang pangungutya kay Josh Aquino ng podcast na Machong Chismisan–na tinanggal na sa The Pod Network.
Si Jim ay ang mister ni Saab Magalona, anak ng yumaong Master Rapper na si Francis M.
Lumikha ng kaliwa’t kanang backlash ang ginawa ng mga hosts ng nasabing podcast kay Josh, special child ni Kris Aquino.
Dumagdag si Jim sa humahabang listahan ng mga nagkundena sa mockery o pang-iinsulto sa 31 anyos na si Josh.
Hindi nga nakabuti kahit humingi na ng sorry si Tito P, ang host na nangutya kay Josh.
Bagkus lalo pa siyang binanatan ng publiko sa kabila ng kanyang rebelasyon na maging siya’y may ADHD din.
Na-diagnose daw si Tito P na “neurodivergent.”
Resbak ni Jim, obyus na gustong gamitin nito ang pagkakaroon ng ADHD bilang excuse.
Ani Jim sa kanyang Instagram story: “l’ve learned throughout the years that the best way to deal with ignorance, especially those idiotic comments about people with special needs, is to educate.
“But in this case, they recorded and decided to publish their horrific attempt at ‘comedy!”
Saad ni Jim, if that’s how they discussed the topic via podcast ay tiyak na ‘di hamak na mas malala pa ang kanilang binibitiwang salita in private.
Hindi matanggap ni Jim that Tito P had to use his being a neurodivergent to aet off the hook: “And the audacity to use neurodivergence as an escape!”
May mga ignoranteng tao daw, pero ang mga hosts ng podcast na ‘yon “are just evil and have zero values.”
Ang sakit sa bangs ng katotohanan! Ronnie Carrasco III