Home NATIONWIDE Slater Young, nagsalita sa isyu ng Monterrazas project sa Cebu

Slater Young, nagsalita sa isyu ng Monterrazas project sa Cebu

99
0

CEBU, Philippines – Ipinagtanggol ng celebrity engineer na si Slater Young ang kontrobersyal na Monterrazas project sa Cebu kaugnay ng isyu ng pagbaha matapos ang Bagyong Tino.

Sa isang video noong Abril 19, sinabi ni Young na sinadyang maantala ang kanilang pahayag upang hayaang matapos muna ang mga imbestigasyon.

Ibinahagi niya ang pakikiramay sa mga naapektuhan ng bagyo at inamin na seryoso ang nangyari, kaya lamang siya nagsalita ngayon.

Binanggit niya ang isang independent study ng University of the Philippines (UP) na nagsasabing hindi ang proyekto ang sanhi o nagpalala ng baha, kundi ang dami ng ulan na bumagsak.

Ayon sa kanya, “Typhoon Tino dumped over a month’s worth of rainfall on Cebu in one single day,” kaya kahit walang proyekto, babahain pa rin ang lugar.

Idinagdag din niya na ang proyekto ay may maayos na water management system at halos doble pa umano sa required standards.

Ayon sa kanya, “Because of that, our detention ponds caught and held back up to 99.74 percent of the excess rainwater coming off our site, releasing it slowly instead of letting it all rush downhill all at once.”

Giit pa ni Young, hindi lamang umano ito nag-abswelto sa proyekto kundi nakatulong pa sa pag-bawas ng tubig-baha.

Sinabi rin niya na ilang independent na pagsusuri ang pare-parehong lumabas ang resulta na hindi ang proyekto ang dahilan ng pagbaha.

Inamin niya na naapektuhan ang kanyang pamilya dahil sa batikos, ngunit sinabi niyang mas mahalaga ang paghahanap ng katotohanan.

Mariin din niyang sinabi na handa silang kumilos laban sa maling impormasyon, at pagtatanggol sa kanilang pamilya.

Sa huli, sinabi niya na patuloy nilang susuportahan ang paghahanap ng tamang solusyon sa pagbaha sa Cebu. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here