Home HOME BANNER STORY Panibagong peace talks sa US, tinanggihan ng Iran

Panibagong peace talks sa US, tinanggihan ng Iran

97
0

TEHRAN, Iran – Tinanggihan ng Iran ang panibagong usapang pangkapayapaan sa United States, ayon sa state news agency nito, ilang oras matapos sabihin ni Donald Trump na magpapadala siya ng mga envoy sa Pakistan para sa negosasyon.

Ayon sa ulat, nakatakdang dumating ang mga kinatawan ng US sa Pakistan bago matapos ang dalawang linggong ceasefire, ngunit sinabi ng Iran na hindi sila sasali sa susunod na round ng usapan.

Sinabi ng Iran, ayon sa ulat ng IRNA, na ang kanilang hindi pagdalo ay dahil sa umano’y “excessive demands, unrealistic expectations, constant shifts in stance, repeated contradictions, and the ongoing naval blockade” ng US, na itinuturing nilang paglabag sa ceasefire.

Nauna rito, nagbanta si Trump sa kanyang Truth Social post: “We’re offering a very fair and reasonable DEAL, and I hope they take it because, if they don’t, the United States is going to knock out every single Power Plant, and every single Bridge, in Iran,” aniya.

“NO MORE MR. NICE GUY!” dagdag pa niya.

Ayon sa White House, pamumunuan sana ni JD Vance ang delegasyon ng US, kasama sina envoy Steven Witkoff at Jared Kushner.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang White House kaugnay sa pagtanggi ng Iran, habang nananatiling tensyonado ang sitwasyon at nalalapit na ang pagtatapos ng ceasefire. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here