Home NATIONWIDE Pinas, nanawagan ng mas malaking suporta sa trabaho, climate resilience sa G-24...

Pinas, nanawagan ng mas malaking suporta sa trabaho, climate resilience sa G-24 meet

94
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Pilipinas ng mas malawak na suporta para sa job creation, financing, at climate resilience sa pulong ng Intergovernmental Group of Twenty-Four (G-24), sa gitna ng lumalalang geopolitical tensions at climate risks.

Ayon kay Finance Secretary Frederick Go, nahihirapan ang mga bansa na tumugon sa sabay-sabay na hamon dahil sa limitadong pondo o fiscal space.

Binigyang-diin niya ang pangangailangan ng “scaled-up and more flexible financing,” kabilang ang budget support at emergency funding upang matulungan ang mga bansa na harapin ang krisis habang ipinagpapatuloy ang social services at development programs.

Hinimok din niya ang mas malakas na paggamit ng private capital para sa pamumuhunan sa imprastraktura, energy transition, at digital services na makatutulong sa paglikha ng trabaho at paglago ng ekonomiya.

Binigyang-halaga rin ni Go ang human capital development upang masiguro na ang mga reporma ay magreresulta sa mas maayos na trabaho at kabuhayan.

Ipinunto rin niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng climate at disaster resilience, lalo na para sa mga bansang tulad ng Pilipinas, sa pamamagitan ng mas madaling access sa climate financing at technical assistance.

“Sustaining progress requires collective resolve. We call on countries and development partners to deepen collaboration…” aniya.

Nanawagan din siya ng mas matibay na multilateral cooperation upang mapalakas ang global financial system at masiguro ang inklusibo at sustainable na pag-unlad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here