Home METRO Mayon, muling nagtala ng pagsabog

Mayon, muling nagtala ng pagsabog

115
0

ALBAY, Philippines – Nakapagtala muli ng minor Strombolian activity ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Mayon Volcano noong Linggo ng umaga, Abril 19.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang aktibidad bandang 4:10 a.m. ng Mayon Volcano Observatory at Quick Response Team.

Ito na ang ika-104 na sunod na araw ng effusive eruption ng bulkan, na naglalabas ng umaagos na lava, pyroclastic density currents (uson), at madalas na pagguho ng bato.

Ang minor Strombolian activity ay isang mahina ngunit paulit-ulit na pagsabog na naglalabas ng lava fountains at mga tipak ng magma mula sa bunganga ng bulkan.

Nananatiling nasa Alert Level 3 ang Mayon, kung saan inirerekomenda ang evacuation sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone dahil sa banta ng lava flow, uson, rockfall, at iba pang panganib.

Pinapayuhan ang publiko na sumunod sa mga abiso ng awtoridad para sa kanilang kaligtasan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here