Home TOP STORIES Presyo ng langis tumaas dahil sa US–Iran standoff sa Strait of Hormuz

Presyo ng langis tumaas dahil sa US–Iran standoff sa Strait of Hormuz

108
0

WASHINGTON, USA – Tumaas ang presyo ng langis sa early Sunday trading matapos maapektuhan ang daloy ng tanker traffic sa Strait of Hormuz dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng US at Iran, isang mahalagang ruta ng pandaigdigang suplay ng enerhiya.

Umakyat ng 6.4% ang US crude oil sa $87.88 kada bariles, habang ang Brent crude ay tumaas ng 6.5% sa $96.25 kada bariles.

Ang paggalaw sa merkado ay kasunod ng pabago-bagong anunsyo ng Iran tungkol sa pagbubukas at muling pagsasara ng strait, na nagdulot ng biglang pagtaas at pagbagsak ng presyo ng langis sa mga nakaraang araw.

Noong Biyernes, sinabi ng Iran na bubuksan nito ang daanan sa mga barkong pangkalakal, dahilan para bumagsak ng mahigit 9% ang presyo ng krudo. Ngunit bumaliktad ito noong Sabado matapos ipagpatuloy ng US ang naval blockade sa mga Iranian port.

Kasunod nito, iniulat ang pag-atake ng Iran’s Revolutionary Guard sa ilang barko at ang pag-agaw ng US sa isang Iranian-flagged cargo ship na umano’y umiwas sa blockade.

Ayon sa mga analyst, ang patuloy na pagsasara o pagkaantala sa Strait of Hormuz ay maaaring magpalala pa ng global energy crisis, lalo na sa Asia at Europe na umaasa sa Middle East oil supply.

Nagbabala rin ang mga eksperto na kahit muling mabuksan ang strait, maaaring abutin pa ng ilang buwan bago bumalik sa normal ang oil shipments at presyo ng gasolina sa merkado. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here