Home HOME BANNER STORY DOJ, DFA at Czech Republic magdaraos ng high-level talks sa pagpapauwi kay...

DOJ, DFA at Czech Republic magdaraos ng high-level talks sa pagpapauwi kay Zaldy Co

97
0

MANILA, Philippines – MAGPAPADALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng high-level coordination team sa Czech Republic para pangasiwaan ang deportasyon ng pugantang si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co patungong Pilipinas.

Sa isang video statement, sinabi ni Pangulong Marcos na inatasan na niya ang Department of Justice (DoJ) at Department of Foreign Affairs (DFA) na pangunahan ang pakikipag-ugnayan sa mga autoridad ng Czech Republic upang matiyak na maayos at naayon na proseso ang lahat ng kinakailangan para sa pagbabalik -Pinas kay Zaldy Co.

Aniya, ginagawa ng ng gobyerno ang lahat ng mga kinakailangang hakbang para sa pagbalik sa Pilipinas ni Zaldy Co.

“We will bring Zaldy Co home, and we will do so in accordance with the law. He will answer to the Filipino people,” pagtiyak ni Pagulong Marcos.

Ang ganitong mga proseso aniya ay may sinusunod na mga legal na hakbang sa pagitan ng mga bansa.

Kaya’t nangangailangan aniya ng sapat na panahon upang maisagawa nang tama.

Matatandaang si Co ay isa sa mga itinuturong mastermind sa umano’y bilyon-bilyong pisong flood control at infrastructure anomalies noong 2025.

Nahaharap siya sa graft at malversation charges kaugnay ng umano’y iregularidad sa isang road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro na nagkakahalaga ng P289.4 million. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here