MANILA, Philippines – Nadiskubre ng awtoridad ang P249-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa loob ng parcel sa isang cargo warehouse bago magtanghali ng Lunes, Abril 20.
Kinumpiska sa isinagawang interdiction operation ng mga tauhan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang nasabing kontrabando.







