Home HOME BANNER STORY Top 1 sa March 2026 Physicians Licensure Exam, inilabas na ng PRC

Top 1 sa March 2026 Physicians Licensure Exam, inilabas na ng PRC

104
0

MANILA, Philippines – Opisyal nang inihayag ng Professional Regulation Commission ang Top 1 sa March 2026 Physicians Licensure Examination.

Si Erwin Ken Angcua Parchaso ng Lyceum Northwestern University ang kinilalang Top 1 ayon sa Facebook post ng PRC noong Abril 10. Gayunman, hindi pa inilalabas ang kanyang board rating.

Nauna nang sinabi ng PRC na pansamantalang hindi inilalabas ang pangalan ng topnotcher para sa “further verification,” alinsunod sa PRC Resolution No. 2010-547 na nagbibigay-daan sa pagsusuri ng exam papers bago opisyal na ianunsyo ang resulta.

Sa kabuuan, 1,954 ang pumasa sa pagsusulit na may national passing rate na 70.26%. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here