MANILA, Philippines – Magkakaroon ng nakaiskedyul na power interruption sa ilang bahagi ng Quezon City mula Abril 21 hanggang 23 dahil sa maintenance at line works ng Manila Electric Company (Meralco).
Ayon sa abiso ng Meralco, maaapektuhan sa Abril 21, 2026 mula 9:00 a.m. hanggang 2:00 p.m. ang bahagi ng Circuit Diliman 424VU sa Batasan Hills. Kabilang sa maaapektuhan ang ilang kalsada sa Filinvest 2 Subdivision tulad ng Pratt Street, Gandhi, Atlas, Grant Street, at mga kalapit na interior roads.
Gagawin ang power interruption para sa line reconductoring works sa mga apektadong kalsada.
Samantala, may hiwalay na maintenance activity sa Barangays Holy Spirit at Pasong Tamo mula 11:30 p.m. ng Abril 22 hanggang 5:30 a.m. ng Abril 23.
Apektado nito ang bahagi ng Circuit Diliman 434VU, kabilang ang ilang kalsada sa Veterans Village tulad ng AFP Road, Air Force, Army, Infantry, Navy, at iba pang kalapit na lugar.
Layunin ng gawaing ito ang line reconstruction, reconductoring, at pagpapalit ng mga poste sa ilang kalsada.
Pinayuhan ng Meralco ang mga residente na maghanda at mag-ingat sa mga nakatakdang power interruption. RNT/MND