Home NATIONWIDE Roblox posibleng ma-ban kung ‘di aaksyon sa child safety – Sen. Imee

Roblox posibleng ma-ban kung ‘di aaksyon sa child safety – Sen. Imee

134
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Senador Imee Marcos sa online gaming platform na Roblox na posibleng maharap sa total ban kung hindi ito agad aaksyon sa isyu ng child safety at online abuse.

Ayon sa senador, magiging “game over” para sa platform kung hindi nito susundin ang mga kinakailangang pagbabago para protektahan ang mga bata.

“Naging number two na tayo sa child exploitation—nakakahiya,” ani Marcos, habang binigyang-diin ang patuloy na pagtaas ng child exploitation cases sa bansa.

Nagbigay siya ng tatlong buwan na palugit sa Roblox upang ipakita na epektibo ang kanilang mga bagong safety measures at natugunan na ang mga dating reklamo. Kung hindi, maaari itong ipasara o i-ban sa bansa.

Iminungkahi rin niya ang pagbuo ng centralized database kaugnay ng Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children Act upang mas mapabilis ang pagtukoy sa mga kaso ng online abuse.

Giit niya, hindi sapat ang hiwa-hiwalay na imbestigasyon ng mga ahensya laban sa organisadong krimen.

Pinuna rin ng senador ang kumplikadong interface ng Roblox na hindi umano user-friendly para sa mga magulang na nagmomonitor sa mga bata.

Iminungkahi rin niya na magtalaga ng dedicated Roblox staff para sa Pilipinas upang mas maayos na mabantayan ang aktibidad sa platform.

“Kung hindi talaga kayang i-regulate, suspindehin na lang,” dagdag niya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here