Home LIFESTYLE HEALTH Kaso ng parainfluenza sa China, tumataas

Kaso ng parainfluenza sa China, tumataas

218
0

BEIJING, China – Tumaas ang kaso ng human parainfluenza viruses o Human parainfluenza virus infection (HPIVs) sa China sa mga nakaraang linggo, ayon sa datos ng Chinese Center for Disease Control and Prevention.

Sa linggong nagsimula noong Abril 6, umabot sa 6.9% ang positivity rate ng HPIVs mula sa influenza-like illnesses, mas mataas kumpara sa 6.5% noong nakaraang linggo at 4.7% noong kalagitnaan ng Marso.

Ayon sa China CDC, habang bumababa ang overall influenza activity, patuloy namang kumakalat ang HPIVs, rhinovirus, at respiratory syncytial virus.

Mas mataas ang epekto ng HPIVs sa mga batang limang taong gulang pababa kumpara sa ibang age group. Sinabi ng mga eksperto na mas madalas itong tumatama sa mga sanggol at bata at hindi gaanong mabilis mag-mutate kumpara sa influenza.

Ayon sa kanila, “To put it simply, a child who develops a barking cough or a hoarse voice is suspected of having HPIVs, while sudden high fever and body aches in individuals of any age are more likely associated with influenza.”

Kumakalat ang virus sa pamamagitan ng respiratory droplets at close contact, kaya mahalaga ang regular na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng mask, at maayos na bentilasyon bilang proteksyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here