Home METRO M4.4 lindol tumama sa Aurora

M4.4 lindol tumama sa Aurora

111
0

AURORA, Philippines – Isang magnitude 4.4 na lindol ang tumama sa ilang bahagi ng Aurora at kalapit na mga probinsya nitong Martes, Abril 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay tectonic at natunton 12 kilometro northwest ng Dinalungan sa lalim na 21 kilometro, na nangyari alas-5:07 ng umaga.

Pinakamalakas na naramdaman ang Intensity IV sa Dinalungan, kung saan inilarawan ang pagyanig na parang dumaan ang mabigat na trak.

Naitala rin ang Intensity III sa Casiguran at ilang bayan sa Quirino, habang Intensity II sa ilang bahagi ng Aurora, Quirino, at Isabela.

Samantala, Intensity I naman ang naramdaman sa ilang lugar sa Aurora tulad ng Baler, San Luis, Maria Aurora, at Dilasag.

Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang pinsala o aftershocks mula sa lindol batay sa kanilang latest advisory. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here