Home HOME BANNER STORY DOJ, magpapadala ng delegasyon sa Czech Republic para sa pagbalik ni Zaldy...

DOJ, magpapadala ng delegasyon sa Czech Republic para sa pagbalik ni Zaldy Co sa Pilipinas

101
0

MANILA, Philippines – Tumulak na sa loob ng linggo ito ang delegasyon ng Pilipinas patungo sa Czech Republic, ayon sa kumpirmasyon ng Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Justice Sec. Fredderick Vida ito ay para makausap ang Ministry of Justice sa naturang bansa kaugnay sa anunsyo at kumpirmasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na naaresto duon si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Ipinaliwanag naman ni Vida na susundin nila ang mga batas sa naturang bansa kaugnay sa pagpapauwi ni Co sa Pilipinas, pero kumpiyansa ang DoJ na maibabalik ito sa bansa

Paliwanag ni Vida, deportation o kaya ay extraction ang mga posibilidad na paraan para mas mabilis na maibalik sa bansa si Co.

Hindi naman masabi ni Vida kung gaano katagal ang magiging proseso ng pag-uwi ni Co dahil iyan anya ay nakadepende sa magiging resulta ng kanyang pakikipag-usap sa mga opisyal ng Czec Republic. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here