Home ENTERTAINMENT Jinkee, namudmod ng ‘pasalu’ sa mga kasambahay!

Jinkee, namudmod ng ‘pasalu’ sa mga kasambahay!

126
0

Manila, Philippines – Santa Claus lang ang peg ni Jinkee Pacquiao na umuwing may bitbit na pasalubong para sa kanyang mga kasambahay from their Los Angeles trip.

Sa kanyang Facebook post, mapapanood ang isang video clip na isa-isang inaabutan ni Jinkee ng “pasalu” ang kanilang household staff.

Uniform ang mga ‘yon na nasa medyo malaki-laking pouch bag kung saan maaaninag ang mga naka-box na products.

Obyus na tuwang-tuwa ang mga kasambahay pag-alis sa pila.

Kung tatantyahin, isang dosena or almost that number ang bilang ng staff.

“[Hadlok] sila ako gipatawag basi naay atraso pero pasalubong diay!” was Jinkee’s caption in her FB post.

As expected, puring-puri ng mga netizens ang pagiging generous ng misis ng Pambansang Kamao.

“Napaka-generous naman ni ma’am Jinkee kaya lalong pinagpapala ni God!”

“Swerte ang mga anghel ni Madam Jinkee Pacquiao!”

Dagdag pa ng mga netizens, ang sarap daw maging kasambahay si Jinkee.

Kitang-kita naman kung paano tratuhin ni Jinkee ang mga ‘yon–bahagi na din ng pamilya! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here