Home HOME BANNER STORY Romualdez, pinagbawalan ng Sandiganbayan makalabas ng Pinas

Romualdez, pinagbawalan ng Sandiganbayan makalabas ng Pinas

88
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Sandiganbayan ng precautionary hold departure order laban kay dating Speaker Martin Romualdez kaugnay ng mga nakabinbing kaso sa Office of the Ombudsman na kinabibilangan ng plunder, graft, indirect bribery, at money laundering na may kaugnayan umano sa maanomalyang flood control projects at budget insertions.

Inilabas ng Seventh Division ng anti-graft court ang kautusan nitong Miyerkules matapos pagbigyan ang petisyon ng Office of the Ombudsman na inihain ngayong linggo upang pigilan si Romualdez sa pag-alis ng bansa habang iniimbestigahan ang mga kaso.

Sa kautusan, sinabi ng korte na may probable cause “to believe that respondent (Romualdez) will depart from the Philippines to evade arrest and prosecution to evade arrest and prosecution of crime/s being charged against him.”

Inatasan din ng korte ang immigration commissioner na pigilan si Romualdez sa pag-alis ng bansa at isama ang kanyang pangalan sa hold departure list.

Ang precautionary hold departure order ay maaaring ipataw laban sa mga respondent na itinuturing na flight risk habang isinasagawa ang preliminary investigation.

Hiniling ng Ombudsman ang kautusan kaugnay ng patuloy nitong imbestigasyon sa umano’y pagkakasangkot ni Romualdez sa flood control projects, partikular sa mga national budget na sinasabing may anomalya.

Nais ding bumiyahe ni Romualdez sa Singapore para sa check-up matapos ang dati niyang angioplasty surgery, na inaprubahan umano ni Speaker Faustino Dy III. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here