MANILA, Philippines – Walang nanalo sa major jackpot draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, Abril 22, 2026.
Ayon sa PCSO, walang tumama sa winning combination ng Grand Lotto 6/55 na may jackpot prize na P62,292,600.08. Ang lumabas na mga numero ay 30-43-51-44-46-32.
Wala ring nanalo sa Megalotto 6/45 na may jackpot na P37,882,594.88. Ang winning numbers ay 10-37-11-43-18-15. RNT