Home NATIONWIDE ‘Di tugma sa listahan ng TNVS na binigyang ayuda, nadiskubre ng LTFRB

‘Di tugma sa listahan ng TNVS na binigyang ayuda, nadiskubre ng LTFRB

108
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may nakitang discrepancies sa mga listahan ng drivers na isinumite ng transport network companies (TNCs) at motorcycle taxi operators sa LTFRB at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kinokolekta at ina-update ng dalawang ahensya ang records ng public utility vehicle (PUV) drivers para sa kani-kanilang financial assistance programs sa gitna ng mataas na presyo ng langis dulot ng sigalot sa Middle East.

“Yung listahan na binigay nila sa amin ay malayo sa listahan na binibigay nila dito sa ating DSWD, dito sa programang ito. Talagang there is much to explain kasi ang layo ng numero,” pahayag ni LTFRB chief Assistant Secretary Vigor Mendoza sa GTV’s Balitanghali.

“Yung dapat na talaan ng drivers laging meron silang limitations. Ang layo ng pinag-uusapan so this is something we will have to investigate. Makita natin ang puno’t dulo nito. Ano ba eksplanasyon nila dito,” dagdag niya.

Ayon kay Mendoza, posibleng dulot ng pagsama ng inactive o dating drivers sa ilang isinumiteng listahan ang pagkakaiba ng datos.

Kaugnay ng posibleng Senate probe sa mabagal na pag-update ng records ng drivers, sinabi ni Mendoza na operators at hindi drivers ang tradisyunal na hawak na talaan ng LTFRB.

Dagdag niya, sa ilalim lamang ng kasalukuyang administrasyon sinimulan ang pagbuo ng centralized drivers’ database. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here