Home NATIONWIDE Schedule at deadlines sa BARMM poll, inilatag ng Comelec

Schedule at deadlines sa BARMM poll, inilatag ng Comelec

120
0

MANILA, Philippines – Inilatag ng Commission on Elections ang mahahalagang petsa at deadline para sa September 14, 2026 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao parliamentary elections.

Ayon sa Comelec, ang mga regional parliamentary political parties at coalitions na magsasagawa ng party conventions para sa nominasyon ng kanilang mga kandidato ay may hanggang Abril 29, 2026.

Itinakda naman ang Abril 30, 2026 bilang huling araw ng pagsusumite ng sworn list of authorized signatories na may specimen signatures sa COMELEC Law Department.

Ang paghahain ng consolidated list of nominees ng mga koalisyon at certificates of candidacy para sa parliamentary district representatives ay isasagawa mula Mayo 5 hanggang Mayo 7, 2026.

Sa Mayo 7, 2026 rin ang deadline ng pagsusumite ng official logos ng mga partido at larawan ng mga kandidato.

Ilalabas sa Mayo 13, 2026 ang tentative list of nominees at listahan ng mga kandidato sa website ng COMELEC.

Samantala, hanggang Mayo 18, 2026 ang huling araw ng paghahain ng kahilingan para sa pagwawasto ng clerical o typographical error sa pangalan na lalabas sa opisyal na balota. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here