MANILA, Philippines – Ipinagdiwang nitong Miyerkules ng Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag sa Pangasinan ang ika-100 anibersaryo ng canonical coronation ng imahen ng Mahal na Birhen.
Libu-libong deboto ang nakiisa sa prusisyon sa kabila ng matinding init, sa hangaring makalapit sa imahen ng Our Lady of Manaoag.







