MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III ang kanyang pagbati ng “good luck” kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity nito sa International Criminal Court (ICC).
“Justice will prevail in the end. I wish him luck, and I wish him well,” pahayag ni Torre, na dating pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at nanguna sa pag-aresto kay Duterte noong Marso 2025.
Noong Miyerkules, ibinasura ng ICC judges ang pagtutol ng kampo ni Duterte sa hurisdiksyon ng korte, kaya posibleng ituloy ang paglilitis sa kaso ng war on drugs.
Nahaharap si Duterte, 81, sa tatlong counts ng crimes against humanity dahil sa mga pagpatay umano kaugnay ng kanyang kampanya laban sa ilegal na droga noong siya ay alkalde ng Davao City (2013–2016) at pangulo (hanggang 2019), bago umatras ang Pilipinas sa ICC.
Iginiit ng depensa ni Duterte na wala nang hurisdiksyon ang ICC sa bansa matapos umatras sa Rome Statute, habang sinabi ng prosekusyon na saklaw pa rin ng ICC ang mga krimeng naganap habang miyembro pa ang Pilipinas.
Sa hiwalay na proseso, pinag-aaralan pa ng ICC kung isusulong ang pormal na paglilitis—na posibleng maging kauna-unahang kaso laban sa isang dating pinuno ng estado mula sa Asya. RNT/MND