Home NATIONWIDE Mas malaking benepisyo para sa Barangay tanod, isinusulong sa Kamara

Mas malaking benepisyo para sa Barangay tanod, isinusulong sa Kamara

108
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ni Parañaque 2nd District Rep. Brian Raymund Yamsuan ang mas mataas na benepisyo at proteksyon para sa mga barangay tanod, na tinawag niyang “indispensable, unsung first responders” sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Ayon kay Yamsuan, mahalagang mabigyan ng Christmas bonus, libreng legal aid, at iba pang benepisyo ang mga barangay tanod sa pamamagitan ng panukalang batas.

Naghain siya ng House Bill No. 6598 sa 20th Congress na layong i-upgrade ang kasalukuyang benepisyo ng mga barangay tanod na nakapagsilbi na ng hindi bababa sa isang taon.

“Barangay tanods serve as the government’s frontliners in ensuring that every corner of our communities remains safe, especially at night when most of us are resting. Hindi natin sila halos napapansin habang tinutupad nila ang kanilang mga tungkulin na minsan ay naglalagay pa sa panganib sa kanilang buhay,” ani Yamsuan.

“Yet the benefits that barangay tanods receive are not commensurate with their commitment to public service, not to mention with the risks they face every day,” dagdag niya.

Kabilang sa panukala ang Christmas bonus na hindi bababa sa kalahati ng natatanggap ng Punong Barangay, insurance coverage na 75% ng benepisyo ng Punong Barangay, libreng legal assistance, at prayoridad sa livelihood at development programs.

Layunin din ng HB No. 6598 na protektahan ang kanilang tenure, kung saan hindi sila maaaring matanggal sa tungkulin maliban kung may dahilan na nakasaad sa barangay resolution.

Pinaalalahanan din ni Yamsuan ang mga LGU na palakasin ang kakayahan ng mga tanod sa pamamagitan ng tamang kagamitan at suporta, lalo na’t bahagi na sila ng pagpapatupad ng DILG “Safer Cities Initiative” bilang force multipliers ng PNP. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here