Home METRO Nanay, 3-anyos na anak pinagbabaril sa bahay sa NegOc

Nanay, 3-anyos na anak pinagbabaril sa bahay sa NegOc

94
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang ina at ang kaniyang tatlong taong gulang na anak matapos silang pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Sipalay, Negros Occidental, habang tatlo pang miyembro ng pamilya ang sugatan sa insidente noong Huwebes, Abril 22, 2026 sa Barangay Nabula.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pumasok ang salarin sa bahay ng mga biktima at pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang 27-anyos na ginang. Sa dibdib naman tinamaan ang kaniyang tatlong taong gulang na anak.

Sugatan din sa pamamaril ang isang 62-anyos na babae, isang 46-anyos na babae, at isang siyam na taong gulang na batang babae.

Sa kaparehong araw, isa pang insidente ng pamamaril sa loob ng bahay ang naganap sa Barangay Manlucahoc na ikinasawi naman ng isang 53-anyos na lalaki.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek sa magkahiwalay na insidente at alamin ang motibo sa krimen. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here