MANILA, Philippines – Sarado pa rin ang nasa 287 gasolinahan sa bansa habang 77 indibidwal ang naaresto kaugnay sa fuel-related violations sa mataas na presyo ng produktong petrolyo, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Abril 24.
“Bumaba na sa 287 ang gasoline stations na nagsara na,” sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Randulf Tuaño sa press briefing.
Nasa 14,529 gasolinahan ang namonitor ng PNP sa buong bansa.
Samantala, sinabi ni Tuaño na 31 kaso kaugnay sa fuel-related violations ang naisampa na at nagresulta sa pagkakaaresto ng 77 indibidwal.
Karamihan umano sa mga paglabag ay hoarding. RNT/JGC