MANILA, Philippines – Hinimok ni Batangas Rep. Leandro Leviste imbestigahan ng Malakanyang ang aniya’y diskriminasyon at korapsyon sa pamimigay ng ayuda sa ilalim ng Barangay Makikinabang Program” sa Batangas.
Sa isang resolusyon na kaniyang ihahain ay binigyang diin ng kongresista na 84 na barangay sa Batangas lalo na sa kaniyang distrito ang hindi nabigyan ng ayuda na P200,000 bawat barangay.
Ang pamimigay ng ayuda sa Batangas ay pinangunahan ng pangulo ngunit isang barangay chairman ang nagsabing ikinunsidera diumano ang politika.
“Whereas, one barangay captain reported that their exclusion was allegedly explained by Batangas Liga ng Barangay President Fernando Rocafort as being due to Batangas Governor Vilma Santos-Recto, the wife of Executive Secretary Recto who oversees this program, suggesting that political considerations influence the distribution of public funds, contrary to the stated purpose of the program.”
Ibinunyag pa ni Leviste na meron din aniyang mga balita na may ilang middleman ang lumapit sa mga LGU officials na humihingi ng 25 porcientong komisyon upang magkaroon at mabigyan diumano ng ayuda.
“Whereas, there are also spearate reports of middlemen approaching local government units offering access to fund under the Local Government Support Fund in exchange for commissions up to twenty feve percent (25 %), highlighting the possibility of corrupton in the allocation of public funds.”
Dahil dito, dagliang hinihiling ni Leviste sa pangulo na agarang imbestigasyon ang umano’y posibilidad ng korapsyon sa pamamahagi ng naturang ayuda.
“Now, therefore, be it resolved, as it is hereby resolved, to urge the Office of the President to immediately conduct a thorough and impartial investigation into reports of discrimination in the implementation of the “Bawat Barangay Makikinabang” and “Bawat Bayan Makikinabang” programs including the exclusion of certain barangays and alleged requests for commission in exchange of funding allocations.”
Nauna rito sa isang press conference ay binanatan na ni Leviste ang mag-asawang Recto dahil sa mga ulat ng diskriminasyon at aniya’y kahit pinangakuan na ang may 84 na barangay na matatanggap na ang ayuda ay nais pa rin ng mambabatas na imbestigahan ito upang hindi na maulit sa susunod.
“Ang kapal ng mukha ng mga politikong pinipigil ang pamimigay ng ayuda na hindi naman sarili nilang pera. Siguro naman hindi ito alam ni President Marcos, pero siya ang nasisira dito, dahil hindi tinutupad ang kaniyang pangako na bawat barangay ay mabibigyan,” ani Leviste. (Meliza Maluntag)