Home NATIONWIDE NAIA binulabog ng ‘vintage bomb’

NAIA binulabog ng ‘vintage bomb’

90
0

MANILA, Philippines — Nakarekober ang mga awtoridad ng mga pinaniniwalaang dekada nang lumang pampasabog sa isang taxiway sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Complex, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.

Ayon sa PNP Aviation Security Group Explosives Ordnance Disposal at K9 Unit, natagpuan ang tinatawag na “Explosive Remnants of War” na binubuo ng anim na general-purpose bombs na tig-50 pounds bawat isa bandang 2:50 p.m. noong Linggo.

Ayon sa pulisya, kalawangin na ang mga bomba at kumpirmadong inert o hindi na gumagana.

Sa sumunod na clearing operation, nadiskubre pa ang apat na 50-pound bombs at 18 bombang tig-25 pounds.

Sinabi ng pulisya na ang lahat ng nakuhang pampasabog ay hindi na aktibo at wala nang banta sa kaligtasan.

Dinala ang mga ito sa Aviation Security Unit headquarters para sa dokumentasyon at safekeeping.

“We assure the public that every report of possible threat is taken seriously and addressed with urgency and care,” pahayag ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here