BOHOL, Philippines — Arestado ang dalawang high-value drug suspects at nakumpiska ang mahigit P7.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Tagbilaran City, Bohol, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Isinagawa ang operasyon bandang 12:56 a.m. noong Abril 27 sa pamamagitan ng joint units ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit isang kilo ng hinihinalang shabu na may halagang P7.458 milyon.
“This successful operation reflects our continued commitment to disrupt illegal drug activities and prevent them from reaching our communities. We will sustain our efforts against all forms of drug trafficking,” pahayag ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.
“Patuloy ang PNP sa mas pinaigting na operasyon laban sa ilegal na droga. Layunin natin na mapanatiling ligtas ang mga komunidad at mapigilan ang pagkalat ng ipinagbabawal na gamot sa lipunan,” dagdag niya. Santi Celario