Home METRO Hustisya, pananagutan sa Toboso clash, ipinanawagan ng obispo

Hustisya, pananagutan sa Toboso clash, ipinanawagan ng obispo

84
0

MANILA, Philippines — Nanawagan ang obispo ng Diocese of San Carlos sa Negros Occidental ng pananagutan at pag-iingat mula sa mga awtoridad, media, at publiko kaugnay ng umano’y sagupaan sa Toboso na ikinasawi ng 19 katao, kabilang ang dalawang estudyante at isang mamamahayag.

Sa pahayag, hinimok ni Bishop Gerardo Alminaza ang mga awtoridad na “exercise power with restraint, humility, and openness to scrutiny.”

Pinaalalahanan din niya ang media at digital platforms na mag-ulat nang may integridad.

“Avoid sensationalism. Do not exploit images of death for engagement or profit. The dignity of the dead must never be compromised,” pahayag ni Alminaza.

Nanawagan din siya sa publiko na umiwas sa disinformation at pagkakahati-hati.

“Seek verified information. Choose dialogue over hostility,” dagdag niya.

Kabilang sa mga nasawi noong Abril 19 sina journalist RJ Nichole Ledesma, student leader Alyssa Alano, peasant advocate Maureen Keil Santuyo, at Filipino-Americans Lyle Prijoles at Kai Dana-Rene Sorem.

Iginiit din ng obispo ang pangangailangan ng patas at malayang imbestigasyon, proteksyon sa mga saksi at pamilya ng mga nasawi, at transparency sa mga ebidensya.

“No label – whether ‘combatant,’ ‘suspect,’ or ‘collateral’ – can erase the fundamental dignity of a person created in the image of God,” aniya.

“This is why the use of force by the State carries a grave moral weight. It demands not only legality, but accountability. Not only authority, but transparency,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa kanya, ang pananagutan ay nagpapalakas sa mga institusyon at hindi nagpapahina rito, at nanawagan siyang pakinggan ang lahat ng panig, lalo na ang mga mahihirap at mga naulila.

Nauna nang kinuwestyon ng Philippine Army ang mga alegasyong may sibilyang nasawi, at sinabing armado umano ang mga napatay. Ngunit mariing itinanggi ito ng NPA.

Ayon sa AFP, naibalik na sa mga pamilya ang labi ng 19 nasawi. Naglunsad naman ng independent investigation ang Commission on Human Rights, na sinabing igagalang ng Malacañang nang hindi makikialam.

Nagpahayag din ng kalungkutan ang University of the Philippines sa pagkamatay ng mga estudyante nito at tiniyak ang tulong sa pag-uwi ng mga labi, habang nanawagan na huwag husgahan ang kaso habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here