Home METRO Pag-apula ng sunog sa Navotas landfill, pinaigting ng mga eksperto

Pag-apula ng sunog sa Navotas landfill, pinaigting ng mga eksperto

116
0
default

MANILA, Philippines – Nagtipon ang mga opisyal mula sa Department of Public Works and Highways, Department of Environment and Natural Resources, Navotas LGU, at mga international experts upang personal na inspeksyunin ang patuloy na operasyon sa Navotas Sanitary Landfill nitong Abril 28.

Ayon sa ulat, tinatayang 90% ng 44-ektaryang pasilidad ang naapektuhan ng sunog na tumagal na ng 18 araw, ngunit nasa 50% pa lamang ang naaapula.

Paliwanag ni DPWH Secretary Vince Dizon, mahirap at mabagal ang operasyon dahil sa kondisyon ng lupa at uri ng apoy. Kasalukuyang tinatabunan ng lupa at buhangin ang mga bahagi ng landfill upang mapatay ang apoy.

Dagdag lakas sa operasyon ang pagdating ng mga eksperto mula sa Japan sa tulong ng Japan International Cooperation Agency, kung saan mahigit 50 heavy equipment na ang ginagamit sa mga bagong bukas na access roads.

Inamin ng mga opisyal na walang malinaw na petsa kung kailan tuluyang maaapula ang sunog.

Samantala, kinikilala rin ng Navotas LGU na naaapektuhan ng panahon ang operasyon, kabilang ang malalakas na hangin na nagdudulot ng zero visibility sa site.

Sa kabila nito, tiniyak ng pamahalaan na magpapatuloy ang operasyon hanggang tuluyang maapula ang sunog. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here