Home HOME BANNER STORY Piso muling bumagsak kontra dolyar

Piso muling bumagsak kontra dolyar

118
0

MANILA, Philippines – Bumagsak sa panibagong record low ang Philippine peso nitong Martes ng umaga, halos umabot sa ₱61 kada dolyar, habang patuloy ang pangamba ng mga investor sa tensyon sa Gitnang Silangan.

Umabot sa intraday low na ₱60.97 ang piso laban sa US dollar—lampas sa dati nitong pinakamahinang antas na ₱60.84.

Iniuugnay ang paghina ng piso sa pagkabalam ng diplomatic talks sa pagitan ng United States at Iran, na nagpapataas ng global uncertainty.

Kapag humihina ang piso, mas nagiging mahal ang imported goods tulad ng langis at pagkain, na maaaring magdulot ng dagdag na pressure sa inflation sa bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here