Home HOME BANNER STORY DOH may paalala sa panganib na dulot ng air quality index

DOH may paalala sa panganib na dulot ng air quality index

115
0

MANILA, Philippines – Dahil sa mataas na antas ng polusyon sa hangin, nagpaalala ang Department of Health (DOH) kaugnay sa panganib sa kalusugan ng publiko.

Ayon sa DOH, ang mataas na Air Quality Index o AQI sa kalusugan ng publiko ay maaaring magdulot ng seryosong epekto sa katawan, partikular sa baga at puso, dahil sa pagpasok ng pinong particulate matter o PM2.5.

Ipinaliwanag ng DOH na sa antas na Unhealthy for Sensitive Groups, pinapayuhan ang mga may sakit sa baga at puso na manatili sa loob ng bahay, habang sa Unhealthy level ay kinakailangang magsuot ng N95 face mask kapag lalabas.

Sa Very Unhealthy na antas, inirerekomenda ng DOH na limitahan hangga’t maaari ang paglabas ng bahay upang maiwasan ang exposure sa maruming hangin.

Hinihikayat din ng DOH ang publiko na alamin ang kasalukuyang air quality sa kanilang lugar sa pamamagitan ng real-time monitoring ng Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau o DENR-EMB. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here