Home METRO Trak nasunog sa Pasig

Trak nasunog sa Pasig

88
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang apoy at nasunog ang isang 22-wheel trailer truck sa southbound lane ng C5 Road malapit sa Lanuza Avenue sa Barangay Ugong, Pasig City kaninang 1:10 ng madaling araw na agad kumalat sa unahang bahagi ng sasakyan.

Rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection Pasig at naapula ang apoy dakong 1:37 a.m.

Ayon sa driver, posibleng faulty wiring ang pinagmulan ng sunog. Papunta sana ang truck sa Batangas upang magkarga ng fuel nang mangyari ang insidente.

Wala namang naitalang nasugatan, habang patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang eksaktong sanhi ng sunog. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here