Home NATIONWIDE PDEA wala pang pinal na resulta sa imbestigasyon kay Sammy Uy

PDEA wala pang pinal na resulta sa imbestigasyon kay Sammy Uy

90
0

MANILA, Philippines – Inamin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na wala pa itong pinal na resulta sa matagal nang imbestigasyon kaugnay ng isang indibidwal na kinikilalang “Sammy Uy.”

Ayon kay PDEA spokesperson Atty. Joseph Frederick Calulut, patuloy pa rin ang beripikasyon kung may direktang kinalaman si Uy sa ilegal na droga.

Ipinaliwanag niya na komplikado ang kaso dahil karaniwan umano ang pangalang “Sammy Uy,” lalo na sa mga Filipino-Chinese, at posibleng may ibang gumagamit din ng parehong pangalan o alias.

Nauna nang ibinunyag ni Antonio Trillanes IV na umano’y nakatanggap ng P181 milyon si Sara Duterte at ang kanyang pamilya mula kay Uy, na kanyang tinukoy bilang isang drug lord. Ang alegasyon ay inilabas sa gitna ng pagdinig sa impeachment complaint laban sa bise presidente.

Gayunman, nilinaw ng PDEA na ang kanilang imbestigasyon ay matagal nang isinasagawa batay sa mga ulat ng umano’y pagkakasangkot ni Uy sa illegal drug trade, at hindi pa ito tapos.

Bukod kay Uy, iniimbestigahan din ng ahensya ang mga pangalang “Michael Yang” at “Peter Lim” kaugnay ng parehong usapin. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here