Home NATIONWIDE Luistro: Kasong inihain vs mambabatas, taktika para hadlangan impeachment vs VP Sara

Luistro: Kasong inihain vs mambabatas, taktika para hadlangan impeachment vs VP Sara

105
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni House Committee Chairperson Batangas 2nd district Rep. Gerville Luistro na ang mga kasong kriminal na isinampa laban sa kanya at iba pang opisyal ay bahagi lamang ng pagtatangkang pigilan ang paglalantad ng ebidensya sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Ang reklamo ay inihain ng asawa ng bise presidente na si Manases Carpio sa Quezon City Prosecutor’s Office, kung saan inakusahan ang ilang mambabatas at financial regulators ng paglabag sa Bank Secrecy Law at Data Privacy Act.

Ayon kay Luistro, bahagi ito ng “legal playbook” ng depensa at hindi nito mapipigilan ang trabaho ng House Committee on Justice.

Binigyang-diin niya na ang kontrobersyal na datos mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ay maingat na hinarap ng komite bago ibunyag, matapos ang masusing deliberasyon sa legal na implikasyon.

Nilinaw ni Luistro na ang isinumite ng AMLC ay hindi direktang bank account details kundi mga “covered” at “suspicious transactions,” na saklaw ng mandato nito sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act.

Dagdag pa niya, sinadya ng komite na huwag mag-subpoena ng bank records upang maiwasan ang posibleng paglabag sa Bank Secrecy Law, kahit may kapangyarihan silang gawin ito.

Giit ng mambabatas, ang impeachment ay isang constitutional accountability mechanism, at may mga pagkakataong maaaring maging exception ang confidentiality rules—lalo na kung may kinalaman sa pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno.

“Ang mahalaga rito ay ang pananagutan sa publiko,” ani Luistro, na muling nagpatibay na hindi umano sila lumabag sa anumang batas sa proseso ng pagdinig. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here