Home METRO Lalaki nameke ng Lotto ticket, arestado

Lalaki nameke ng Lotto ticket, arestado

105
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos umanong magtangkang mag-claim ng P172 milyong lotto jackpot prize gamit ang pekeng tiket sa opisina ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa Brgy. Wack-Wack, Mandaluyong City.

Ayon sa National Capital Region Police Office, ipinakita ng suspek ang umano’y winning ticket, ngunit sa beripikasyon sa official lotto database, lumabas na na-claim na ng totoong nanalo ang winning premyo.

Nakita rin sa tiket ang senyales ng pamemeke, kabilang ang handwritten entries gamit ang ballpen at indikasyon ng tampering.

Agad na inaresto ang suspek, isinailalim sa medical examination, at itinurn-over sa imbestigador para sa case buildup. Sasampahan siya ng kasong falsification of public document sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office.

Ayon kay NCRPO Director MGen. Anthony Aberin, resulta ito ng “Enhanced Managing Police Operations” na layuning mabilis matukoy at mapigilan ang mga ilegal na gawain. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here