Home TOP STORIES Sanggol, isinilang sa gitna ng 5-oras na biyahe ng Delta Airlines

Sanggol, isinilang sa gitna ng 5-oras na biyahe ng Delta Airlines

113
0
Delta Airlines Airbus photographed April 2024 Delta-owned. No expiration date, unrestricted use.

OREGON, USA – Isang buntis na pasahero ang nanganak sa loob ng eroplano ng Delta Air Lines habang papalapit ito sa Portland, Oregon, ayon sa ulat ng airline noong Lunes.

Ang flight na galing Atlanta, Georgia at may habang 5 oras na biyahe ay nasa huling 30 minuto na lamang bago dumating sa destinasyon nang magsimula ang panganganak.

Ayon sa Delta, “We extend our sincere thanks to the crew and medical volunteers on board who stepped in to provide care to a customer onboard prior to landing in Portland,” at binati rin nila ang bagong pamilya.

Dalawang nurse at isang doktor na pasahero rin ng flight ang tumulong sa panganganak, kasama ang 4 cabin crew members ng eroplano na sinanay sa emergency medical situations.

Agad na humingi ng emergency landing ang crew at sinalubong ng mga medical personnel ang eroplano paglapag nito. Ayon sa Port of Portland, stable ang kalagayan ng ina at sanggol.

Sinabi rin ng airline na walang mahigpit na restriction sa pagbibiyahe ng buntis ang Delta, at kalaunan ay ibinahagi sa US media ang larawan ng bagong silang na baby girl kasama ang kanyang ina. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here