Home HOME BANNER STORY PBBM humingi ng dagdag impormasyon sa paglaya ni Zaldy Co sa Czech...

PBBM humingi ng dagdag impormasyon sa paglaya ni Zaldy Co sa Czech Republic

256
0

MANILA, Philippines – Humihiling ng karagdagang impormasyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng pagpapalaya ng Czech authorities kay dating mambabatas na si Zaldy Co, ayon sa Malacañang.

Sa pulong kasama si French Ambassador Marie Fontanel at si Eva Tenzin, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na nagpahayag ng pagkadismaya ang Pangulo dahil “remains at large in Europe” si Co sa kabila ng pagsisikap ng pamahalaan.

“He requested for further information as to what transpired and why Zaldy Co was released from custody by the Czech authorities,” ayon sa PCO.

“Nonetheless, the President is confident of the strength of our bilateral relations with France and the Czech Republic that is grounded on shared values, including respect for the rule of law,” dagdag pa ng PCO.

Umaasa naman ang Pangulo na ang susunod na kooperasyon sa larangan ng pulisya, legal, at hudikatura ay magbibigay-daan upang maibalik si Co sa bansa.

Ayon sa Malacañang, naghain na si Co ng asylum sa France matapos ipabatid ng Czech authorities sa delegasyon ng Pilipinas na pinangunahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na wala na ito sa kanilang kustodiya. Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na nasa hurisdiksiyon na ito ng French authorities.

Nauna nang inanunsiyo ni Marcos na naaresto si Co sa Czech Republic dahil sa isyu sa dokumentasyon, at agad na sinimulan ang mga hakbang upang maibalik siya sa Pilipinas.

May mga warrant of arrest laban kay Co at 17 iba pa, kabilang ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways at mga direktor ng Sunwest Corp., kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects.

Naghain naman ng kasong graft at malversation ang Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan kaugnay ng umano’y P289 milyong flood control project sa Oriental Mindoro. Iginiit ni Co ang kanyang inosensiya sa mga paratang. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here