Home NATIONWIDE House impeachment proceedings, unconstitutional – VP Sara

House impeachment proceedings, unconstitutional – VP Sara

76
0

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang pagiging konstitusyonal ng impeachment proceedings na isinasagawa ng House Committee on Justice.

Sinabi ng kampo ni Duterte na lumagpas umano sa mandato ang komite dahil tinalakay nito ang mga usaping dapat sa isang full impeachment trial na dinidinig, sa halip na limitahan ang pagsusuri sa mga verified complaints at kalakip na dokumento.

Dagdag pa ng kampo na batay sa takbo ng pagdinig, hindi na umano nakapagtataka ang naging finding ng probable cause upang i-impeach ang Pangalawang Pangulo.

Samantala, iginiit ni Paolo “Pulong” Duterte na may mga indibidwal umanong tumatawag sa chiefs of staff ng mga mambabatas upang tiyakin ang boto pabor sa impeachment kapalit ng proteksiyon sa pondo ng kanilang distrito.

Aniya, kung kumpiyansa ang Kamara sa mga reklamo laban sa Bise Presidente, dapat hayaang magsalita ang ebidensiya.

Wala pang tugon ang House Committee on Justice sa mga paratang. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here