Home NATIONWIDE P270K halaga ng ismagel na sigarilyo nasabat sa Palawan

P270K halaga ng ismagel na sigarilyo nasabat sa Palawan

70
0

MANILA, Philippines — Aabot sa P270,000 halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo ang nasamsam ng pulisya sa Puerto Princesa, Palawan, habang apat na indibidwal ang naaresto sa isinagawang operasyon.

Ayon sa ulat, bandang 1:20 a.m. nang magsagawa ng operasyon ang Puerto Princesa Police Station 2 sa Sitio Bucana, Barangay Iwahig, kasunod ng natanggap na intelligence information at koordinasyon sa Bureau of Customs.

Nasabat sa lugar ang walong garbage bags at apat na sako na naglalaman ng mga umano’y kontrabandong sigarilyo.

Narekober din ang P26,000 boodle money na ginamit sa transaksyon, pati ang isang sasakyan na pinaniniwalaang ginamit sa ilegal na aktibidad.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act ang mga suspek, na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

Ayon kay PRO Mimaropa director Brig. Gen. Jovencio Badua Jr., mahalaga ang naturang operasyon upang maputol ang illegal trade at maprotektahan ang kita ng gobyerno.

Tiniyak din niya ang tuloy-tuloy na operasyon laban sa smuggling sa pamamagitan ng mas pinaigting na intelligence at koordinasyon ng mga ahensya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here