Home OPINION KRITIKO NI CHIZ SA ‘FORTHWITH’ SUPALPAL SA SC

KRITIKO NI CHIZ SA ‘FORTHWITH’ SUPALPAL SA SC

138
0

MARAMI ang bumatikos kay Senator Francis “Chiz” Escudero noong siya ang Senate President. Tinawag siyang “obstructionist” at inakusahang pinuprotektahan ang mga dapat managot dahil lamang sa matibay na paninindigang sundin ang tamang proseso sa Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ngunit ngayon, mismong Korte Suprema na ang naglinaw na ang salitang “forthwith” sa Impeachment ay hindi nangangahulugan ng padalos-dalos na walang paggalang sa proseso.

Klaro ang pahayag ng SC—kahit Impeachment, kailangan pa ring sumunod sa mga itinakdang alituntunin ng Konstitusyon. Hindi maaaring isagawa nang bara-bara dahil lang sa pressure ng pulitika.

Ito rin ang matagal nang ipinaglalaban ni Chiz. Hindi maaaring i-railroad ang Impeachment, gaya ng ginawa sa ilalim ng liderato ni dating House Speaker Martin Romualdez. Walang puwang ang shortcut sa ganitong seryosong proseso.

Hindi rin dapat gawing kasangkapan sa pulitika ang isang mekanismo na nilagyan ng safeguards sa ilalim ng Saligang Batas.

Ginawa ni Chiz ang nararapat bilang Senate President na nakaangkla sa batas. Paulit-ulit niyang idiniin na hindi dapat diktahan ng ingay sa lansangan, pressure sa social media, o interes ng ilang grupo ang direksyon ng Impeachment. Hindi ito dapat gamitin sa pansariling agenda.

May malakas na usapan tungkol sa posibleng pagbabalik niya bilang Pangulong Senado kaya hindi nakapagtataka na sunod-sunod na naman ang pag-atake laban sa kanya.

Bigla lumilitaw ang mga isyu—tulad ng petition sa SC kaugnay ng campaign donation na dinesisyunan ng Commission on Elections na walang iregularidad. Maging ang Ombudsman ay idinadawit ang kanyang pangalan sa isang kasong halatang mahina. Nagkataon lang ba o bahagi ito ng mas organisadong hakbang para pigilan ang pagbabalik niya sa Senado bilang lider? O kaya’y pagsira ito sa kanyang pangalan lalo’t malapit na ang 2028 presidential elections?

Kung may mga nababahala sa posibilidad na muli siyang mamuno sa Senado ay dahil kilala si Chiz na hindi basta-basta papayag na gawing “rubber stamp” ang institusyon. Hindi niya hahayaang maging extension ito ng sinomang nasa kapangyarihan at abusuhin ang Impeachment para sa pamumulitika.

Sakaling muling may umakyat na Impeachment complaint sa Senado, asahan ang magiging patas na pagtrato ni Chiz, mahigpit na pagsunod sa batas, at pagprotekta sa kredibilidad ng institusyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here