Home NATIONWIDE Kishida kumpiyansa, Pilipinas makakukuha ng share sa regional oil support ng Japan

Kishida kumpiyansa, Pilipinas makakukuha ng share sa regional oil support ng Japan

74
0

MANILA, Philippines – KUMPIYANSA si Japan’s special envoy to the prime minister, Kishida Fumio, na ang Pilipinas, na may ‘strong partnership’ sa Japan, ay kabilang sa unang estado na makakukuha ng share sa bagong USD10 billion initiative ng Tokyo para suportahan ang Asian nations sa gitna ng krisis sa langis.

Si Kishida, kasalukuyang nagsisilbi bilang supreme advisor sa Japan’s Parliamentary Association of Asia Zero Emission Community (AZEC), iniabot kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang personal na liham ni Prime Minister Takaichi Sanae.

Sa pamamagitan aniya ng personal na liham, sinabi ni Kishida na pormal na isinasaad nito ang “desire” ni Takaichi para sa mas malapit na Philippine-Japan cooperation ukol sa energy resiliency sa ilalim ng Partnership on Wide Energy and Resources Resilience Asia (POWERR Asia).

“[I] am also expecting that the Philippines is going to be one of the first countries to receive the assistance or the support from POWERR Asia,” ang sinabi ni Kishida.

Ang USD10 billion POWERR Asia ay “procurement and cooperation scheme” naglalayon na suportahan ang mga estado na palakasin ang kanilang energy supply.

Inilunsad ito ni Takaichi sa isang online AZEC summit na dinaluhan ni Pangulong Marcos noong Abril 15.

Matapos makapulong si Pangulong Marcos sa Maynila, nagkaroon naman ng dayalogo si Kishida kasama si Energy Secretary Sharon Garin para pag-usapan ang mas malalim na energy cooperation bilaterally at sa loob ng AZEC.

Kasama ang Maynila, sinabi ni Kishida na layon ng Tokyo na isulong ang mas malakas na kolaborasyon sa larangan ng nuclear at liquefied natural gas.

Isinasaisip na ng Japan na ang AZEC ay makalilikha ng bagong decarbonization market sa Asia para makahikayat ng kapital mula sa buong mundo.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Kishida na ang Japan-led AZEC ay “looking to “actually optimize” the platform to fit each of its 11-member countries’ needs against the backdrop of the Middle East crisis that has disrupted the global energy market.”

“The current situation created a stance where there is a further need to stabilize the energy supply for each of this country… That is our current focus and the need for AZEC to evolve is there as well,” aniya pa rin.

Winika ni Kishida na mayroong 30 initiatives sa renewable energy, biotechnology, at LNG sa Pilipinas na “steadily progressing” sa pamamagitan ng iba’t ibang public at private investments sa ilalim ng AZEC.

Samantala, ang AZEC, sa pangunguna ni Kishida, ay nasa Pilipinas mula Abril 30 hanggang May 2.

Inaasahan na bibisitahin ng misyon ang mga Japanese company na nag-ooperate sa Luzon. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here