Home ENTERTAINMENT Bea, nagbigay na raw ng tela sa wedding entourage!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Bea, nagbigay na raw ng tela sa wedding entourage!May 1, 2026 17:29970 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Posibleng mabalam ang taping ng sisimulang serye ni Bea Alonzo saGMA, ang Whispers From Heaven.Ito’y kapag kumpirmado nang talaga ang pag-iisang dibdib nila ng negosyanteng si Vincent Co sa May 16.In fairness though to Bea, siya na mismo ang nagbigay ng kanyang schedule para sa taping ng seryeng muling ididirek ni Zig Dulay.Pero siyempre, days before the wedding in Spain ay on hold muna ito.Balitang naipamigay na daw ni Bea ang yarda-yardang tela para pagawan ng isusuot ng kanyang wedding entourage.Timing naman ‘yon dahil may sapat pang panahon to have the gowns made in time for the big event.After all, hindi naman basta-basta ang bubuo ng lineup–mula sa principal sponsors hanggang sa bearers.Mga bigatin din siyempre ang mga kukuning designer ng mga ito.Aba, “Wedding of the Year” nga naman ang dadaluhan nila–at sa Spain pa!To describe it as “fabulosa” is an understatement! Ronnie Carrasco III